Tungkol sa Pahiram

Konting tulong sa unang mensahe.

Nahihiya ka bang humiram ng pera? Tinutulungan ka ng Pahiram na maghanap ng mga salitang bagay sa sitwasyon mo—sa Tagalog o Taglish, at sa tonong komportable ka.

Gumawa ng pakiusap

Paano magsimula

  1. Piliin ang Ready-made para ikaw ang magtakda ng tono at detalye, o AI-assisted para ikuwento ang sitwasyon sa isang textbox.
  2. Basahin ang napiling mensahe. Tiyaking tama ang halaga, petsa, at relasyon sa hihiraman. Punan ang mga patlang at gamitin ang lapis kung may babaguhin.
  3. Kopyahin o ibahagi ang mensahe sa gusto mong kausap. Igalang ang sagot niya at pag-usapan ang petsa at paraan ng pagbabayad.

Ano ang Pahiram?

Ang Pahiram ay kasangkapan sa pagsulat ng mensaheng Tagalog o Taglish para humiram ng pera sa kakilala. Pumili ng mensahe sa Ready-made o ilahad ang sitwasyon sa AI-assisted para makahanap ng angkop na mensahe sa library.

Paano humiram ng pera nang magalang?

Sabihin nang tapat kung para saan ang pera, magkano ang kailangan, at kailan mo balak magbayad. Magbigay ng pagkakataong tumanggi ang kausap. Makakatulong ang Pahiram sa pagpili ng mga salita, pero kayo pa rin ang mag-uusap at magkakasundo.

Ano ang mga puwedeng tono ng mensahe?

May apat na tono: Magalang, Pabiro, Direkta, at Madrama. Sa Ready-made, maaari ring piliin ang relasyon sa hihiraman at ang dahilan, gaya ng pagkain, mga bayarin, pamasahe, gamot, o pang-eskwela.

Paano gumagana ang AI-assisted?

Isulat ang sitwasyon sa isang textbox. Gumagamit ang Pahiram ng decision model upang tukuyin ang tono, dahilan, relasyon sa hihiraman, halaga, at oras o petsa ng pagbabayad na nasa kuwento. Pinipili nito ang isang naka-save na mensahe at pinupunan ang detalye; hindi ito bumubuo ng bagong mensahe gamit ang generative chat model. Kung kulang o malabo ang detalye, may patlang na maaari mong punan.

Nagpapautang ba ang Pahiram?

Hindi. Hindi nagpapautang, nagpoproseso ng bayad, o nag-uugnay sa mga nagpapautang ang Pahiram. Tulong lamang ito sa pagbuo ng pakiusap at hindi garantiya na mapapahiram ka.

Puwede bang baguhin at ibahagi ang mensahe?

Oo. Gamitin ang lapis upang baguhin ang mensahe, Kopyahin para ilagay ito sa gusto mong chat app, at I-share kung may share menu ang browser. Kung walang share menu, kokopyahin ang mensahe. Suriin muna ang halaga, petsa, at anumang patlang bago ipadala.

Saan napupunta ang kuwento sa AI-assisted?

Ipinapadala ang kuwento sa OpenRouter upang masuri ng decision model. Hindi isinusulat ng app ang kuwento o napiling resulta sa message library. Iwasang ilagay ang password, numero ng account, o ibang sensitibong detalye na hindi kailangan sa pakiusap.

Kailangang tumanggi sa nanghihiram? May hiwalay na app para roon: Palusot. Ang Pahiram naman ay para sa taong humihingi ng tulong.